My Shuttered Moments

Friday, March 09, 2012

Confessions of a Heartbroken

Nakatulog akong iniisip ka, at pagkagising, ikaw na naman ang nasa isip ko.

Potek!

Ano ba yan?!

Ayaw ko na! Pero bakit ikaw pa rin ang nasa isip ko?!

Nagagalit at naiinis na ako sa sarili ko. I transferred to a different program, (well wala pang confirmation if matutuloy ako, assuming lang) para kalimutan ka, dahil sobrang naaawa na ako sa sarili ko, ang hirap kaski, sobrang sakit.

I am sacrificing a lot. Medyo selfish, nadamay ang ibang tao dahil sa kahibangan ko. Ngayon ko lang to naramdaman, at diko kayang magagawa ko pala to. Hindi ko rin alam ang kung anong kaya ko pang gawin sa mga susunod na araw.

Sana maubos na mga luha ko. Sana mawala na tong nararamdaman ko, kasi ang sakit sakit.

Pero sa isang banda, mahal ko na sya. Potek! Nagmamahal na nga siguro ako, eto na siguro yun. Para akong isang teenager, na ngayon lang nakaranas na to. Totoo pala to. Akala ko ay parang sa isang pelikula lang ang mga ganitong pangyayari. Hindi pala. Siguro, di mo maiintindihan to kung di mo pa narasanasan.

Pagod na ako, ayaw na ng isip ko, sumuko na ito, dahil alam niyang walang mangyayari pero potek na puso to, bakit ayaw mong makisam a? Bakit pinagpipilitan mong yan ang itibok mo, BAKIT?

Dear Lord, yaw ko na po. Hirap na hirap na po ako.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...