Kelan ko nga ba sya huling nakita? Matagal na siguro. Namiss ko sya, sobra.
Ang isang araw ay sadyang napakatagal na panahon na di sya makita o makausap man lang, at ang labis sa isang araw pa kaya? Akala ko pang habang buhay na ang madarama ko sa pagkamiss sa kanya.
Sa wakas.
Nakita din kita.
Di ako agad nakapagsalita. Parang natulala lang ako at di ko malaman ang aking sasabihin.
Mag Hi ba ko? O mag Hello?
Tatanungin ko ba sya ng "Kumusta ka?" O pano nga ba?
Ang alam ko lang. I was mesmerized and speechless during that time. Natulala ako ng nakita kita at sa isip isip ko, napakagandang nilalang naman ang nasa harapan kong ito.
Sa totoo lang, para bang bumalik ang dati, kinabahan, natuliro, nawala sa sarili n nakita ka. Natagalan pa bago akp aad naging kumportable sayo, sa palagay ko nung tayo ay nasa sinehan na.
Tunay ngang isang masaya ang gabing ito. Namiss ko to. Namiss ko yung magkakasama tayo. Namiss ko yung nakakausap ka. Namiss ko lahat lahat sayo.
Sana lang namiss mo din ako.
Seize the moment sabi nga nila. Mahihirapan na naman akong pumasok na naman mamaya pero wala akong pakialam basta makasama kita. Kakayanin ko lahat para sayo. Ikamatay ko man.
Isang tanong ang gumugulo sa aking isipan ngayon.
Posible bang mahalin mo ang isang tao sa ikalawang pagkakataon? Mayroon bang sitwasyog ganun? O sadyang namis ko lang sya?
Bakit labis kitang mahal?
Bakit?
Hanggang ngayon.
Hanggang habang buhay ba?
Mahal na mahal na mahal pa rin kita.
Haaaaaaay
No comments:
Post a Comment