My Shuttered Moments

Thursday, February 21, 2013

3:00AM

3:00am

Isang malamig na gabi o sabihin na nating madalin araw. Nakakatamad. Oo. Nakakatamad bumangon para magprepare at pumasok. Pero iba ngayon, iba kasi, malalaman kong nakabalik na sya. Di ko man sya makita, maka email man lang okay na sa akin yun.
Basta alam kong okay sya, ayos na ako.

Normal na sa rin sa akin ang i check ang telepono kung may mga nag text o email, bbm, at tingnan ang newsfeed ng akin FB at timeline ng twitter. Para bang naging routine ko na ito, na tila umaasa na may roon akong mababasa na magpapasila sa araw ko. Malamang, yun na yun.

Subalit parang nagtigil ang oras at tibok ng puso ko ng mabasa ko ang isang bbm.


Wala pa sya.

Absent.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko nun.

Dug dug dug

Kinabahan ako. Oo. Di ko alam anong gagawin ko nung mga oras na yun. Malala pa nito, eh hindi agad sumagot ang naghatid ng balita.

Makalipas ang ilang oras habang ako ay nasa Teatalk, isang tunog ang aking narinig galing sa aking BB.

Isang email.

Isang magandang balita.

Napawi lahat ng aking pangamba at takot.
Sa isip ko, pinakaba naman ako nung unang balitang aking nabasa.

Nung araw ding yun, nakita ko sya. Habang ako'y nag eescal, nasa likod ko sya kasama ang naghatid ng balita.

Pinilit kong lumingon, at nangingiti sya.

Haaaaaaaaaay.

Di na ako mapakali.

Nakita ko na sya.
Ang taong sobrang namimiss ko na. Ang taong pinakamamahal ko. Ang taong nagpabago ng aking mundo.

Nakita at nakasama sya sa loob ng isang oras. Salamat sayo sa ganiton pagkakataon.

Gusto ko sanang sobra ko syang namiss pero marahil ang malaman nya na nagtampo ako sa kanya ay sapat na para malaman nya na importante sya sa akin.

Wala namang tao na magtatampo sa isang tao kung hindi ito mahalaga sa kanya.

Natuwa ako sa kanya. Kaya lalo ko sang minamahal eh.

Siguro nga eh di ganun kaganda ang career ko ngayon pero okay lang dahil siya naman ang nagpapaganda ng buhay ko.

Mahal na mahal kita. Salamat at nakasalamuha ko ulit ang isang anghel.

Salamat din at may isang kanta na naman na magiging memorable sa akin. :)



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...