My Shuttered Moments

Thursday, February 14, 2013

ONE

February 14.

What's so special with this day?

No. It's not because it's Valentine's day. How ironic that it had to be this day when this feeling started to blossom.

Naaalala ko pa noon; I had to be absent because of what I started to feel that time.
I was confused, in denial, happy, sad, scared, anxious. Di ko na rin alam kuhg ano ba dapat ang maramdaman ko nun. All I know was I was crying the whole day and I had to lie cause di ko kayang pumasok. That was a year ago.

One year.

One year of sadness, tears, excitement, and most of all happiness.

Yes, above all, happiness.

Noon ko lang naramdaman na sa bawat titig mo ay natutunaw ako. Sa bawat ngiti mo lang ay saya lang ang nadudulot nito. Kinakabahan ako tuwing lalapit ka, natutuliro at lahat na.

May mga kanta sadyang memorable dagil sayo. Malamang ay pang habang buhay na ito ay nakakakabit sayo at sa tuwing ito ay mapapakinggan ko saan man, isang tao lang ang maaalala.

Kasi sa baway lungkot, sa bawat luha na binuhos ko sa isang taon na yun para sa isang tao, sa bawat pagkulong ko sa kwarto, sa bawat pagsakripisyo ko, napapawi ang lahat yun sa isang iglap pag nakikita kita, nakakasama. Sa isang reply mo pa lang, lahat ng sakit na nadarama ko ay nawawala. Sa bawat ngiti, sa bawat pagkakataon na pinaparamdam mo sa akin na importante ako, sa bawat pagkakataon na pinaparamdam mo sa akin na tinuturing mo akong kaibigan, kaligayahan lamang ang dulot nito. Sa bawat pagkakataon na hinahayaaan mong tulungan kita, anong saya ang aking nadarama.

Nandito lang ako. Yan lang ang maipapangako ko.

Nung isang taon, ang dati'y malungkot na November at December ko ay nag-iba. Masasabi kong iyon na ang pinakamasaya kong mga buwan. Lahat ng mga bagay na may kaugnayan sayo, lahat yun ay nakatago. Ang relo, ang drawing, ang bag na niregalo mo, ang mga litrato, mga texts at email mo, yun na lang ang pinanghahawakan ko, para masabi ko na kahit papaano, naging parte ako ng buhay mo.

Siguro nga, ang lahat ng iyon ay pansamantala lamang. Alam ko naman na hindi talaga pwede. Pero anong gagawin ko, kung sadyang sa bawat pagkakataon na kasama kita, ang pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo? Paano ko magagawang maka-move on?

Aaminin kong nagkamali ako sa desisyon kong iwanan ka. Dulot marahil ng akala ko ay madaling ika'y kalimutan. Akala ko, sa paglayo ko ay malilimutan ko na ang nararamdaman ko sa yo. Pero hindi, dahil lalo lang tong lumala.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka. Mamamatay siguro ako, ewan ko. This is my first time to feel this in my entire existence. Mas mahal na nga kita kesa sa sarili kong buhay.

Ngayong araw na to, sobrang miss na miss na kita. Masakit lang kasi alam kong ako lang ang nakakaramdam nito. Masakit lang na it's just a one-sided affair.

Sobrang miss na miss kita.

Hindi ko alam kung kelan pa kita ulit makikita.

You're an angel without wings.

Mahal na mahal kita, SOBRA.

Masakit, sobrang sakit, dahil alam kong hanggang doon na lang yun ay di mo ko kayang mahalin.

Pero di maikakaila, na SOBRA kitang mahal, higit sa aking buhay. :(

After ONE year, there's just one thing that has changed, I love you more and more.

ONE YEAR and I'm the man who can't be moved.




"It's the way I'm feeling I just can't deny
But I've gotta let it go"



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...